Para sa Mangga-Gawa ng Telebisyon p.1
Follow Saying images for more great quotes
Legit question: Bakit maliit yung OCAL?
It’s over. He’s gone. Why do we have to part while the love is still there? Why do we have to suffer? Why do we have to cry when someone bids goodbye? Why do beginnings have an end? Why do we have to meet only to loose in the end?
In a relationship, one of the hardest things to do is saying goodbye and letting go. It is as hard as breaking a crystal because you’ll never know when you will be able to pick up the pieces again. More often than not, they who go, feel not the pain of parting. It is they who stay behind that suffer, because they are left with memories of a love that was meant to be, a love that was.
At the beginning and at the end of a relationship, we are embarrassed to find ourselves alone. Unfair as it may seem, but that’s the way love goes. That’s the drama, the bittersweet and the risk of falling in love. After all, nothing is constant but change. Everything will eventually come to its end, without us knowing when, without us knowing how, without us knowing why. And we must forgive not because we want to but because we have to.
In letting go, sorrows come not in a single spy but in battalion. It seems that everywhere you go, everything you do, every song you hear, every turn of your head, every move of your body, every beat of your heart, every blink of your eye and every breath you take always remind you of him. It’s like a stab of a knife, a torture in the night; funny how the whole world becomes depopulated when only one person is missing. Just imagine there are billions of people on earth. And yet it seems you feel empty without the other. I don’t know if it’s worth calling an art, but letting go entails special skills sparkle with a considerable skills and time. Time heals all wound but it would take a little push on our part. Acceptance plays a part. Not all wishes come true. Not all love stories end with “AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER.”
Sometimes we have to part because of circumstances beyond our control. We have to suffer if it would mean happiness for others. We have to cry to temporarily let go of pains. Every beginning has its end, like every dawn has its dusk. It’s something we can’t control, something we have to live up.
and i found myself stuck, stuck in between everything that we ever were before. the next chapter of my life seized to unfold because you left. like it ended there and only little progress was made for me to turn a page.
you have dominated this life, this novel i was writing. you were the ink and you filled every page of it, then you had gone dry. no, i’m still figuring if you went dry or you spilled. either way, it died out. you were gone and only the dying ink remaining in the quill made me turn to this page:
it seemed clean, but there are still marks of you, the ink passed through several pages, making everything seem harder for me. to get over the things that happened, it’s almost like forcing myself to renew the whole book. my memories, my past, everything that mattered and still does matter…
Minsan nakakawalang gana ang magsulat tungkol sa mga bagay na naranasan mo na o sa mga bagay na naiintindihan mo at gusto mong magbigay ng reaksyon. Minsan kasi hindi mo alam kung ano bang swak para sa mga mambabasa ng nilalathala mo. Di mo kasi alam kung anong trip nila minsan. Kaya tatamarin ka at iisipin, “Ano bang isusulat ko? Hindi naman nila babasahin. Mamaya wala naman silang pakialam.” Magiisip ka pa na baka mamaya, may naiinis na pala sa mga ibinabahagi mo. Di naman maiiwasan. Dapat alam mo na yon.
Hindi na nga rin ako naniniwala sa mga nagsasabing, “nagba-blog ako hindi para sa inyo”, eh, para kanino? Sa sarili mo? Sana ginawa mo na lang pribado yang mga pinopost mo. Sana pati buong blog mo may password kung ayaw niyong nakikilatis ang mga naisusulat niyo. Para kanino? Para sa mga gusto mo lang magbasa ng blog mo? Buti sana kung nakakapili ng pwedeng magbasa. Di ba?
Wala lang, naiinis kasi ako. Kaya kung anu-ano sinasabi ko ngayon.
Namimiss ko na kasi yung tinatawag na “quality blogging”.
Minsan may mga bagay na hindi maganda na di natin ine-expect. Ay. Hindi pala minsan. Lagi. Malamang ayaw natin ng mga bagay na di maganda. Masakit sa puso. Masakit sa ulo. Ako, nagkaron na ng ganitong experience. Sa totoo lang ayoko nang mangyari yun ulit. Pero I believe maraming ganito pa ang mangyayari.sa buhay ko. Bata pa ko eh. Marami pa akong dapat malaman at maramdaman. Pero hindi ko pinagsisisihan na napasok ako sa ganitong problema. Pinili ko itong landas na to nang walang alinlangan. Kaya pinagdadasal ko na lang na sana maging maganda pa din yung takbo ng buhay ko. Alam ko na hindi maayon sa lahat ng gusto ko pero sana hindi mawala yung nangiisang gusto kong protektahan at makasama :) Sana hindi yun ipagkait sakin ng pagkakataon. I know, I did a lot mistakes. Maraming bagay na hindi ko nagagawa na kaya ko sana kaso hindi ko na nagagawa dahil sa isang dahilan. Yung dahilan na yun ay ang pag pili ko na makasama yung taong gusto kong kasama. Siguro ito yung kapalit ng pagpili sa HAPPINESS kasabay ng responsibilities. Ang rason ko lang naman kung ba’t ko pinili to kasi ayoko yung pagpili sa paghihirap na kasabay ng responsibilities. Well kung iisipin, may mga tao ngang nagiging masaya pa din kahit naghihirap at nag fu-fulfill ng maraming responsibilities kaso ito lang kaya ko eh. :) Kaya naiinggit ako sa mga taong mataas ang level sa Society kasi sila pa yung nilalapitan ng mga tao. Naiinis lang ako kasi may mga taong tulad nila na hindi naman tama yung sinasabi o pinaniniwalaan kaso kaya nilang mapaniwala yung ibang tao kasi nga maimpluwensya sila o yung tinatawag na may ANGST.
Sa kabuuan nitong pinagsasabi ko, malungkot lang naman ako. Dito sa buhay ko. Kaya hinahanap ko yung mag-bibigay ng happiness sakin. Nahanap ko na naman na yung happiness ko.
Ako’y maglalakbay tungo sa buhay
At mangangarap na puno ng kulay
Ako’y mag-iipon ng gintong oras
Kahit ito’y unti-unting kukupas.
Ako’y bibilang ng mga halakhak,
Sabay mamumulot ng mga pilak,
At lalaban na puno ng pangarap
Kahit maglaho man ang mga ulap.
Maglalayag tungo sa kalayaan,
Sasabay sa agos ng paligsahan,
Ako’y pilit tatakbo sa liwanag
Kahit dilim man ako’y binibihag.
Pilit na magpapaalam sa mundo
Kahit hindi ito ang kagustuhan ko.
Ako’y tatakbo ng may karamdaman,
Kahit kasama pa si Kamatayan.
Malungkot — yun yung pakiramdam kapag alam mong nag-iisa ka. Yung tipong napakatahimik at wala kang magawa kundi mag-isip ng mga bagay na kadalasan ay wala na.
Hindi mapapaliwanag ng isip kung bakit nalulungkot ang isang tao. Pero nararamdaman ng puso ang kabuuan ng kalungkutan. Yun bang parang may kumukurot sa puso mo tapos bigla na lang mamamanhid.. pagkatapos gusto mo na lang umiyak. NaseSENTI. Ayun! Yun nga ung pwede mong itawag don.
Yung mga taong nakakaramdam dun may kanya-kanyang dahilan. Yung iba dahil namatayan, o di naman kaya iniwan ng isang minamahal o di naman malayo sa minamahal o di naman kaya di siya mahal ng minamahal niya. Marami lang dahilan. Pero kadalasan, iisa lang common factor — pag-ibig.
Madali naman maka-moveon sa lungkot — konting tawa lang at pagsama sa barkada, ok na yun! Pero ang lungkot parang multo — nagpaparamdam kapag mag-isa ka lang. Ang hirap labanan.. kasing hirap ng tumawa ng walang tinatawanan.
Ano bang gusto kong sabihin? Wala. Nasesenti lang ako.
Sa mga panahon na nalulungkot tayo o kaya nag-iisa, gumagawa tayo ng isanlibong paraan para sumaya. Pero ilan nga ba sa mga ito ang totoo at nasa realidad? WALA. Nag-iimbento ka ng mga istorya sa isipan mo at bumubuo ng samu’t-saring kwento para mapasaya ang sarili mo ng pitong minuto pero pagkatapos nito, lalamunin na ulit ng kasentihan at pag-eemo ang puso mo.
Ayan nga siguro ang script ng mga memories sa buhay natin. Pwedeng i-rewind pero sa isip lang. Pwedeng i-pause pero sa imahinasyon mo lang. Pwedeng i-play ng paulit-ulit pero sa utak mo lang. Pero ang magawa itong balikan? Mukhang malabo na ‘ata. Lalo na kung sobrang dami na ng nangyari. Kapag marami na ang nagbago, mahirap ng ibalik ang mga dating nakasanayan sa kasalukuyang takbo ng buhay mo.
Mga alaala na naghahatid ng ngiti sa iyong mga labi at nagiging dahilan para sumulpot ang kakaunting kiliti sa buhay mo pero siya ding nagiging sanhi ng pagpatak ng mga luha mo kasi alam mo na hanggang alaala na lang ang mga iyon.
‘Yan lang siguro ang masasabi natin na hindi magandang dulot ng mga alaala. Mangingiti ka sa umpisa. Mapapaisip ka sa huli. Mangyayari pa kaya ang mga ito? Kailan kaya? Tapos malulungkot ka na ulit. Tapos sa mga panahon na ,mag-isa ka sa bahay mo habang umuulan, papasayahin mo ulit ang sarili mo, tapos mamamalayan mo na lang, sumasabay na ang mga luha mo sa pagpatak ng ulan.
Nais kong hawiin mo ang lumbay na nadarama,
na parang hanging umiihip sa akin, sinta.
Ngunit sa iyong pag-alis, dala mo ang alaala,
ng kahapong ating nagdaang alam kong wala na.
Isang kahapong hindi na maiibabalik pa.
Kung sakaling ikaw ay babalik,
kalungkutang dinala, iyong mababawi.
At sa iyong pagbalik, aking masasabi,
baka ako lamang ay nananaginip,
pero ikaw ay tunay na iniibig.
Subalit alam kong wala ka na,
ika’y hindi na babalik pa.
Mas didilim pa ang mga gabi,
dahil wala ka na sa aking tabi.
Kalungkutang ito’y sana maglaho na.
Ayokong dumating ang bukas.
Nais kong tumigil ang oras.
Gusto kong andito ka lang.
Mga oras na kasama kang di ko na mabilang.
Bukas ay huwag na nating hintayin,
Nakaraan ay ating alalahanin.
Kinabukasa’y ‘wag na isipin.
Dito ka lang, dito ka lang.
‘Wag ka nang umalis,
Ika’y aking ma-mimiss.
Oras ay bumibilis,
Mahal kita, labis labis.
Ayokong dumating ang bukas.
Nais kong tumigil ang oras.
Kung maaari lang.
Kung maaari lang.
Huwag ka nang umalis.
Kung maaari lang.
Huwag ka nang umalis.
Kung maaari lang.